ANGEL AT RICHARD
ANGEL AT RICHARD

Ni REGGEE BONOAN

LALONG nagiging interesting at lumalalim ang kuwento ng La Luna Sangre at tama ang hinala namin nang bumalik si Angel Locsin bilang si Jachintha Magsaysay, hindi totoong kakampi siya ni Sandrino/Supremo/Gilbert Imperial (Richard Gutierrez).

Sa umereng episode noong Biyernes, nabawi ng grupo ni Baristo (Joross Gamboa) si Cattleya (Sue Ramirez) sa kamay ng mga bampirang pinamumunuan ni Sandrino/Supremo/Gilbert Imperial). Kaya galit na galit na naman ang huli at inalam kung sino ang kumuha sa kanilang bihag.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Nalaman na may makapangyarihang babaeng bampirang nakapula na tumulong sa grupo nina Baristo kaya gigil na gigil si Supremo/Gilbert at pilit na ipinahahanap kung sino ito. Dahil malakas ang kapangyarihan, naisip niya si Lia (Angel) na hindi sumipot sa kanilang tagpuan.

Pero ang iniisip nina Baristo (Joross) at Malia (Kathryn Bernardo) ay si Samantha (Maricar Reyes) ang nagligtas sa kanila, kasi nga ito ang bampirang malakas ang kapangyarihan bukod kay Supremo.

Paalis na si Supremo/Gilbert nang dumating si Jacintha Magsaysay (Angel) na nagsabing nasiraan ng sasakyan kaya na-late, pero iba ang duda ng una dahil nga hindi rin niya makontak ang cellphone nito nang tawagan niya.

Ipinakita rin sa La Luna Sangre na tinuturuang sumayaw ni Jacintha si Gilbert, “Kailangan mong matutong sumayaw sa kaaway mo.”

At cliffhanger na nakita ni Malia na sinugod ng mga bampira si Tristan (Daniel Padilla) sa pangunguna ni Omar (Ahron Villena).

Samantala, walang pressure sa La Luna Sangre ang ratings war dahil nanatili silang panalo sa laban sa katapat na Alyas Robinhood 2 ng GMA-7.