Ni: Mary Ann Santiago

Patay ang isang tricycle driver nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek habang naghihintay ng pasahero sa terminal sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Jaymark Carillo, 32, taga-Tondo, dahil sa mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang mabilis nagsitakas ang mga salarin.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), nag-aabang ng pasahero ang biktima sa kanto ng Dagupan Extension at Raxabago Street nang lapitan ng mga suspek at apat na beses pinaputukan, dakong 5:16 ng madaling araw.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Nahagip ng closed-circuit television (CCTV) camera ang insidente ngunit bigo ang awtoridad na makilala ang mga suspek na pawang may takip ang mukha.