Ni: Analou De Vera

May problema sa pag-iisip ang lalaking gumawa ng eksena sa Manila Police District (MPD) kamakailan.

Si Arvin Tan, na nagmamay-ari ng isang electronic gambling outlet, ay may schizophrenia ayon sa kanyang legal counsel na si Atty. Donna Jalmas-Masilungan.

“May mental condition sya. Iba-iba po ang statements n’ya. And yes, merong medical findings. One month na po s’yang hindi nakakainom ng gamot. Medyo unstable po ang pag-iisip nya.” ayon kay Atty. Masilungan.

National

4.7-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

Ang kondisyon ni Tan ay isiniwalat ng kanyang mga magulay, ayon sa abogado. “Sasagutin po namin yung charges and complaints that will be filed against him,” aniya.

Ayon sa isang imbestigador sa MPD-General Assignment Investigation Section, si Tan ay “release but for further investigation.” Sinabi ng imbestigador na mahaharap pa rin si Tan sa kasong malicious mischief, direct assault on persons of authority, at reckless imprudence resulting to damage to property.