Ni: Beth Camia

Isusumite bukas, Setyembre 25, ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang kanyang tugon sa impeachment complaint laban sa kanya.

Nabatid na inaakusahan si Sereno ng culpable violation of the constitution at betrayal of public trust kaugnay ng umano’y kuwestiyonableng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng Punong Mahistrado at sinasabing magarbong paggastos sa pondo ng hudikatura.

Ayon sa tagapagsalita ni Sereno na si Josalee Deimla, sasagutin ni Sereno ang lahat ng grounds ng impeachment na ipinupukol laban dito.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador