Ni: Reggee Bonoan

TAOB ang ilang Star Magic actress kay Devin Seron na may pelikulang You With Me kasama ang Korean actors na sina Jin Ju-Hyung at Hyun Woo.

Si Hyun Woo ay nakilala sa koreanovelang Pasta at sa marami pang ibang TV series at sa sitcom na I Live in Cheongdam-dong, napasama sa K-Pop project na 24/7 at nagkaroon ng single na 24 hours A Day pero na-disband kaagad at naging host ng Music Bank (2010-2011), at isa ring theater actor.

Jin Ju-Hyung Devon at Hyun Woo_PLEASE CROP copy copy

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Pang-apat na pelikula pa lang niya itong You With Me na ang 80% ng kabuuan ay sa Korea kinunan.

Marami na ring drama series na nagawa si Jin Ju-Hyung tulad ng Suspicious Partner (2016-2017), Cinderella and Four Knights ( 2016), Blade Man (2014) at Scandal: A Shocking and Wrongful Incident (2013).

Parehong sikat ang leading man kaya tinutukso si Devon sa grand presscon ng You With Me sa Seda Vertis North Hotel nitong Biyernes na ang haba-haba ng hair.

Mainit ang pagtanggap ngayon ng mga Pinoy sa mga K-Drama at K-Pop kaya ang taas ng tingin kay Devon na tanging Star Magic talent na nakagawa ng pelikulang Korean actors ang kasama.

Gayunpaman, hindi nagmamalaki si Devon, itinuturing niyang sinuwerte lang siya dahil hindi naman talaga siyang sumali sa audition.

“Hindi po ako part ng auditionists,” kuwento ng dalaga. “Nalaman ko lang po ‘to sa friend ko, isa po siyang make-up artist sa production and ang pagkakaalam din niya, gagawa lang sila ng isang indie film.

“Hindi ko rin po alam na may kasama ring international artists. Ang pagkakaalam ko lang po, magsu-shoot kami sa Korea pero mga artists, Pinoy. So ako naman po, naengganyo ako kasi sobrang gusto ko mag-indie film, gusto kong matuto pa.

“Sabi ko sa kaibigan ko, kahit mapasok na lang ako sa audition, okay na sa akin. So ‘yun po, hindi lang ‘yun ‘yung luck ko that time. Nu’ng nakapasok na ako, talagang na-reveal na ‘yung iba pang mga blessings na dumating kaya sobrang thankful po talaga ako?”

Love triangle ang kuwento ng You With Me na idinirek ni Rommel Ricafort mula sa Gitana Film Productions, RR Films/Entertainment at Film Line Pictures Production LTD, Seoul Film Commission kaya tinanong ang dalaga kung may nagugustuhan siya o may nagpaparamdam sa kanya isa man kina Jin Ju-Hyung at Hyun Woo?

“Hindi po ako ma-assume. Natatakot din ako, so kung mayroon ngang ganu’n, sana masabi sa akin ng direkta. Kasi sa sobra po nilang maalaga, parang ‘yung kinalakihan po nila ganu’n. Parang kung iisipin mo, mag-a-assume ka talaga, pero hindi po talaga. Sa ngayon po, getting to know each other muna kaming tatlo,” sagot ni Devon.

Pero aminado ang dalaga na attractive ang dalawa.

“Siyempre, napakasuwerte kung sino man ‘yung magiging girlfriend o mapapangasawa ng mga taong ito,” nakangiting sabi ng dalaga.

Nagkakausap sila palagi ni Jin Ju-Hyung at puwedeng sabihing okay ang samahan nila lalo’t ito rin ang kasama ng aktres sa presscon. At pinagkumpara rin niya ang dalawa.

“Si Ju-Hyung po, nakakausap ko siya nang seryosohan. Nakakapag-communicate kami nang maayos, nag-i-English po siya.

Nakakapag-open up ako sa kanya ng mga personal problems, siyempre siya rin sa akin. Si Hyun Woo naman po, masayahin po siyang tao, joker din. Maalaga rin po siya katulad ni Ju-Hyung,” kuwento ni Devon.

Aminado ang dalaga na may advantage na nagkakaintindihan sila ni Jin Ju Hyung.

“To be honest, opo, kasi iba talaga ‘yung nakakapag-usap kayo. Pero silang dalawa, may mga advantages talaga sila na hinahanap ng mga babae. Iniisip ko na sana nag-join na lang silang dalawa sa isang katawan, parang ganu’n,”say ng aktres.

Nang tanungin naman si Jin Ju Hyung kung ano ang nagustuhan niya kay Devon, “She’s kind and her personality is so nice and she has a good manner, she’s good,” sagot niya sabay tingin kay Devon.

Girlfriend material ba si Devon?

“Yeah, for sure,” napangiting sagot ng binata.

Kumusta ang samahan naman nila?

“We’re just friends, close friends, we always talk to each other in English, we can communicate easily that’s why we’re close through it.”

May plano bang manligaw si Jin Ju Hyun kay Devon?

“Let me think about it,” tumawang sagot ng binata. “Yeah, I like her, gusto kita.”

Walang karelasyon ngayon ang binata na maliban kay Devon ay wala pang ibang Pinay actress na nakikilala, “Devon is the best.”

Tawa nang tawa ang press kay Jin Ju Hyun dahil panay ang banggit ng James Reid na baka raw magselos kapag inireto siya kay Devon. Matatandaang inamin ni James na crush nito si Devon.

Ikinuwento ni Devon na masarap makatrabaho ang mga Korean dahil napakagalang at gentleman.

“Unang-una po, ‘yung dedication nila sa work nila,’yung tipong wala silang eksena pero nandoon sila at naghihintay sa set para sa next scene o double scene kahit na gaano katagal. Hindi sila maarte kasi kami po wala kaming tent, nasa gilid lang kami ng daan. May isang bus lang kami, minsan ‘yung bus pa hihiwalay sa amin kasi bawal i-park doon kaya nakaupo lang kami sa gilid.

“At ang nakakatuwa po ay mga actor pa ang nagse-set ng meeting para mag-workshop kami, mag-live reading para maging ready kami pagdating sa set. And kumakain po kami sa mga (restaurant), wala pong catering. So, ang ginagawa namin ay pumupunta kami na kahit gaano kalayo ang restaurant ay nilalakad namin at wala silang arte.

“Ako naman, ang sarap palang katrabaho ang mga ganitong tao, iba ‘yung experience talaga, nakaka-down-to-earth at nakaka-humble ‘yung mga ginagawa nila,” kuwento ni Devon.

Habang nagkukuwento ang dalaga ay nakatingin lang sa kanya si Jin Ju Hyun kaya isinalin sa English ni MJ Felipe ang sinasabi ng dalaga at napangiti na ang Korean actor.

Ipinakita ang trailer ng You With Me na romantic comedy ang kuwento at mapapanood na sa Setyembre 27. Tiyak na manonood nito ang maraming Pinoy na haling na haling sa Korean movies/TV series.

Bukod kay Devon, kasama rin sina Tonton Gutierrez, Assunta de Rossi, Jon Lucas, Hazel Faith de la Cruz, Lee Seung-Yun, Sung In-Ja, Shin Dong-Hun, Lee Soo-Ryun, Oh Ja-Hun at Hashtags sa You With Me.