Ni: Light A. Nolasco

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Dalawang hatol na habambuhay na pagkabilanggo, o hanggang 40 taon, ang iginawad sa dating bise alkalde ng Nueva Ecija dahil sa dalawang kaso ng rape sa menor de edad sa bayan ng Pantabangan.

Batay sa 23-pahinang desisyon ni Judge Leo Cecilio Bautista, ng Regional Trial Court (RTC), Branch 38 sa San Jose City, sinentensiyahan si dating Pantabangan Vice Mayor Romeo Borja Jr. sa panggagahasa sa noon ay 17-anyos na babae, simula Oktubre 2009 hanggang Abril 2010.

Iniutos din ng korte na magbayad si Borja Jr. ng P200,000 danyos, at ipinalilipat na rin ng piitan sa National Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar