Ni: Dave M. Veridiano, E.E.
MABILIS ang takbo ng pamumuhay ngayon sa mundo dahil sa Internet na ginagamit sa mga makabagong teknolohiya gaya ng cell phone, tablet at laptop computer. Kaya kapag ang isang tanggapan ng pamahalaan ay masinop itong ginagamit upang mapabilis ang kanilang serbisyo-publiko, malaking ginhawa ito para sa mamamayan at dapat lang itong saluduhan at palakpakan!
Isa ito sa nakitang paraan ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) upang maging magaan para sa mamamayan na kumuha ng pasaporte na ginagamit sa pangingibang bansa – isang “user-friendly” na online appointment system na pinabilis ang pag-apply at pag-renew ng kanilang pasaporte.
Matapos magbukas ng libu-libong appointment slot para sa publiko, dumami ang nakikipag-ugnayan sa DFA sa pamamagitan ng kanilang website. Dito tuloy lumitaw ang problemang dulot ng biglang dami ng “online traffic” – ang kahirapan na maghanap ng petsa na gusto o naaangkop sa oras at araw ng nag-aayos ng kanilang pasaporte.
At ito na ngayon ang dagdag sa mga pagbabagong ipinagmamalaki ng pamunuan ng DFA – kung dati ay kinakailangang pang i-click ang lahat ng petsa para lamang malaman na ang susunod na appointment ay aabutin pa ng dalawang buwan, ngayon ay color coding na para madaling malaman kung bakante ang isang appointment slot.
“Kung bibisitahin mo ang ating appointment website, ang mga petsa na kulay pula ay pawang may naka-book na, samantalang ang mga petsa na kulay berde ay pawang bakante,” ang sabi ni Executive Director Angelica Escalona ng DFA Office of Consular Affairs.
Bukod dito ay napansin ko rin na ang bagong “online appointment system” ay mayroon ng “feedback mechanism” na nagtatanong sa aplikante kung may problema sa kanyang aplikasyon. Agad na nalalaman ng aplikante kung ano ang dapat niyang gawin para maaayos ito – sa pamamagitan ng isang email na matatanggap sa loob ng 48 oras o dalawang araw, matapos na masuri ang mga dokumentong isinumite nito sa website.
“Sa ganitong paraan, ang aplikante ay magkakaroon ng sapat na panahon upang maayos niya ang kakulangan o discrepancy sa kanyang papeles at hindi na magpapabalik-balik pa,” ang may pagmamalaking sabi ni Escalona.
Noon kasi, malalaman lamang ng aplikante na may problema ang kanyang aplikasyon -- gaya ng discrepancies o pagkakaiba sa impormasyon o dokumentong isinumite niya -- sa mismong araw ng pagkuha nito ng pasaporte, kaya maraming araw ang nasasayang sa isang nagmamadaling aplikante.
Ito naman ang paborito ko sa bagong online system – kapag nalaman nito na ang aplikante ay isang senior citizen na kagaya ko; person with disability o may kapansanan; buntis; solo parent; batang nasa edad pito... NANG iminungkahi ni House Majority Floorleader Rodolfo Fariñas ang mga traffic enforcers ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na huwag na silang dalhin sa presinto kapag sila ay lumabag sa batas-trapiko, naikapit na yata sa kanyang pahayag ang lahat ng hindi kanais-nais na pang-uri o adjective: nakaririmarim, nakapagngingitngit, kasumpa-sumpa, balintuna at iba pa.