NAGPOSTE ang University of the East ng dalawang dikit na panalo habang natikman naman ng Far Eastern University ang tamis ng tagumpay kahapon sa UAAP Season 80 women’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Nagpamalas si Love Sto. Domingo ng all-around game na 15 puntos, 17 rebounds, at tig-2 blocks, steals at assists nang padapain ng Lady Warriors ang University of the Philippines Lady Maroons, 52-42.

Pinabagsak naman ng Lady Tamaraws, sa pamumuno nina Valerie Mamaril at Precious Arellado ang dating matayog na lipad ng Ateneo Lady Eagles, 64-58.

Nagtala ang dalawa ng pinagsamang 31-puntos upang ipalasap sa Lady Eagles ang una nitong pagkabigo.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Dahil sa panalo, tumabla ang UE at FEU sa ikatlong puwesto kasama ng Ateneo na may markang 2-1. - Marivic Awitan