Pangungunahan ni dating Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael “Paeng” Mariano ang kilos-protestang sasalubong sa ika-45 anibersaryo ng Martial Law declaration sa Huwebes, Setyembre 21.

Ito ang tiniyak ni Mariano na nagsabing madalas na siyang makikita sa mga kilos-protesta, kasunod ng pagbasura ng Commission on Appointment (CA) kamakailan sa pagkakatalaga sa kanya bilang kalihim ng DAR.

Ayon sa dating kalihim, ang protesta sa Huwebes ang una at pinakamalaking rally na dadaluhan niya simula nang lisanin niya ang DAR nitong Setyembre 6.

Matatandaang hindi lumusot si Mariano sa kumpirmasyon ng CA dahil lamang sa mga alegasyong may kaugnayan siya sa New People’s Army (NPA). - Rommel P. Tabbad

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho