Ni NORA CALDERON

HANGGA’T maaari, hindi pinapatulan ni Ryza Cenon ang bashers. Kahit sobra na rin ang ipino-post ng mga ito sa social media, nagtitimpi pa rin siya. 

Ryza Cenon - ika-6 copy

Pero hindi na nakatiis si Ryza nang akusahan siya ng bashers na sinasaktan niya ang batang gumaganap bilang Sydney sa Ika-6 Na Utos.

Human-Interest

Concerts, certified stress reliever ayon sa psychologist?

Alam daw ba niya kung ano ang epekto ng pananakit niya sa bata? Nagbanta pa ang basher na kapag hindi siya tumigil, sasaktan din nito ang kanyang pamilya, ang kanyang parents, mga kapatid, at maging ang boyfriend niyang si Cholo Barretto. Si Ryza raw ang magsabi kung sino ang uunahin nitong saktan.

Sumagot si Ryza na hindi nasasaktan ang mga bata o kahit na sino sa mga artista sa kanilang show, dahil ang lahat ay acting lamang. Huwag daw magbibintang kung hindi naman nila nakikita ang nangyayari sa taping. 

Nakiusap din si Ryza na huwag isali ng bashers ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang ina dahil matagal na itong patay. Sanay na raw siya sa bashing at hindi siya pumapatol pero huwag namang idamay ang mga mahal niya sa buhay.

May nag-accuse pa sa kanya na siguro raw ay kabit siya kaya sanay na sanay siyang gumanap sa role ni Goergia.

Pero kung may unfair accusations kay Ryza, marami naman ang pumupuri sa napakahusay na portrayal niya kay Georgia. Ang fans na nasasalubong niya kapag lumalabas siya o nasa mall, tinatawag siya ng Georgia at nagsasabing huwag siyang mag-alaala dahil Team Georgia sila. Kaya kahit hindi na rin siya nakakapagtimpi sa bashers, thankful naman siya sa mga nakakaintindi na umaarte lang siya sa kanyang role.