Ni NITZ MIRALLES

PREMIERE airing na ng Super Ma’am sa Monday, September 18, pero hindi pa rin makapaniwala si Jerald Napoles sa malaking suwerteng dumating sa career niya.

JERALD AT MARIAN copy copy

Isa lang naman siya sa leading man ni Marian Rivera, ang Primetime Queen ng GMA-7, kaya may gulat factor si Jerald.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

“Sino naman kasi ang mag-aakalang magiging leading man ako ni Marian? Sa itsura kong ito? Pero posible sa takbo ng story ng Super Ma’am, kaya nasali ako rito. Hindi ko lang alam kung kaya ako kinuha para pang-comic relief,” pahayag ni Jerald.

Ang feeling ng mga reporter, idinadaan ni Jerald sa biro ang sobrang kasiyahan sa pagkuha sa kanya bilang isa sa makakapareha ni Marian. Ang Fil-Am actor na si Matthias Rhoads ang makakaribal niya kay Minerva Henerala (Marian) sa story ng Super Ma’am.

Nagpaalam si Jerald kay Dingdong Dantes na makakapareha niya si Marian at baka mapalapit daw sa kanya ang aktres. Ang sagot daw ni Dingdong, “Alagaan mo ang asawa ko” at hindi ang unang sinabi na tinalikuran siya ni Dingdong na kalaunan ay binawi dahil nagbibiro lang daw siya.

Ginagampanan ni Jerald sa Super Ma’am ang role ni Esteban, ang janitor sa school na may lihim na pagmamahal kay Minerva. Kaya lang, kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Ibig sabihin, na-friend zone si Esteban.