Lyceum Pirates, nakalusot sa Chiefs; markado sa 12-0.

NAGSISIMULA nang mapalaban nang todo ang Lyceum Pirates. Ngunit, maging sa krusyal na sitwasyon, may tikas na pamatay ang Batang Intramuros.

Lyceum's Mike Nzeusseu (right) approaches Arellano's Archie Concepcion for a hand shake during the NCAA Round 2 match at Filoil Flying V Centre in San Juan, September 15, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
Lyceum's Mike Nzeusseu (right) approaches Arellano's Archie Concepcion for a hand shake during the NCAA Round 2 match at Filoil Flying V Centre in San Juan, September 15, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

Naghabol sa 13 puntos ang Pirates sa huling apat na minuto at maagaw ang panalo, 94-92, laban sa Arellano Chiefs sa mainit at hitik sa aksiyon na duwelo kahapon sa second round ng NCAA Season 93 seniors basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Human-Interest

Babaeng guro sa Batanes na 'buwis-buhay' na umaakyat sa flagpole, pinarangalan

Hataw sina CJ Perez at JC Marcelino sa matikas na 14-0 run sa loob ng dalawang minuto para tapyasin ang 13 puntos na bentahe ng Chiefs at agawin ang bentahe sa 88-87.

Natawagan sa kanyang huling foul si Perez na naging daan sa dalawang free throw ni Rence Alcoriza para sandigan ang Chiefs sa 89-88 abante.

Nagsisimula nang magdiwang ang mga tagasuporta ng Arellano nang makuha ang 91-88 bentahe mula sa open shot ni Alcoriza sa pasa ni Kent Salado may 1:31 ang nalalabi sa laro.

Ngunit, mali ang hinuha ng karibal. May nalalabi pang angas ang Pirates.

Sa sumunod na play at patungo sa krusyal na sandali, nagawang makaiskor ng limang sunod na puntos ni MJ Ayaay, tampok ang go-ahead basket mula sa pasa ni Reymar Caduyac may 7.4 segundo sa laro.

May tsansa ang Arellano na maipuwersa ang overtime, ngunit sumablay ang free throw ni Salado at nakuha ni Marcelino ang rebound para selyuhan ang panalo ng Lyceum at mapanatili ang malinis na marka sa 12-0.

“May kasama nang suwerte,” mapagpakumbabang pahayag ni Lyceum coach Topex Robinson.

“Maganda ang nilaro ng Arellano. Saludo ako sa mga player at kay coach Jerry (Codinera). Para lang talaga sa amin ang panalo,” aniya.

“Yung tiwala sa isa’t isa ng player, lalong tumataas ang level , yan ang nagagamit naming advantage, lalo na sa krusyal time,” sambit ni Robinson.

Nanguna si Ayaay sa Pirates sa naiskor na 20 puntos at 10 rebounds, habang kumubra si Mike Nzeusseu ng 17 puntos at 11 boards, at kumana si Caduyac ng 15 puntos, pitong rebounds at tatlong assists.

Nagsalansan din si Perez ng double-double -- 14 puntos at 10 rebounds – at humirit si JC Marcelino ng 13 puntos, walong rebounds, apat na assists at apat na steals.

Hataw naman si Salado ng 24 puntos para sa Chiefs na apektado na ang kampanya sa Final Four tangan ang 4-7 karta.

Naging doble ang pagsasaya ng ng Lyceum nang gapiin din ng Junior Pirates ang Arellano Braves, 89-82.

Ratsada si McLaude Guadana sa Junior Pirates sa naiskor na 19 puntos, habang nag-ambag si Sean Sandoval ng 15 puntos at anim na rebounds.

Iskor

(Juniors)

LPU (89)- Guadana 19, Sandoval 15, Arenal 10, Cunanan 10, De Leon 8, Barba 8, Ruiz 6, Salazar 6, Jungco 4, Caringal 3, Ortiz 0, Cuevas 0, Umpad 0.

AU (82)- Camacho 21, Fermin 18, Bataller 12, Tamayo 7, Segura 5, Espiritu 4, Domingo 4, Fornis 3, Baltazar 3, Rivera 3, Velasco 2, Liangco 0.

Quarterscores: 17-18, 53-38, 69-67, 89-82

(Seniors)

LPU 94 – Ayaay 20, Nzeusseu 17, Caduyac 15, Perez 14, Marcelino JC 13, Baltazar 7, Santos 4, Marcelino JV 2, Ibanez 2, Tansingco 0, Pretta 0, Liwag 0, Serrano 0, Marata 0

ARELLANO 92 – Salado 24, Flores 15, Abanes 12, Nicholls 11, Enriquez 8, Alcoriza 7, Dela Cruz 6, Villoria 4, Taywan 3, Concepcion 2, Canete 0, Meca 0, Filart 0

Quarterscores: 26-23, 44-47, 57-70, 94-92