Ni REGGEE BONOAN

MAPAPANOOD ang charm ng Kita Kita leading man na si Empoy Marquez bilang Celebrity VJ ngayong Setyembre sa MYX music channel.

EMPOY copy copy

Patutunayan ng dating Mr. Suave ang kanyang galing sa hosting, matapos ang huling proyektong Kita Kita na nakasungkit ng titulong highest grossing local indie movie matapos tumabo ng P300 million sa loob lamang ng tatlong linggo sa mga sinehan. Sa kanyang galing sa komedya, tiyak na magbibigay saya si Empoy sa nangungunang music channel sa bansa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Mapapanood din ang Journey lead singer na si Arnel Pineda bilang “MYX Headliner” ngayong buwan, at ang singer-songwriter na si Volts Vallejo sa “MYX Spotlight.”

Panoorin ang live performances ng local artists tulad ng indie rock bands na SUD at MilesExperience, ballad/soul singer na si Dessa, at alternative pop rock group na Moonstar88 sa MYX Live. Panoorin din ang ilang performance specials ng international artists tulad ng award-winning performer na si Katy Perry, American rock band na Foo Fighters, at singer/actress na si Selena Gomez sa MYX Presents.

Samantala, magaganap na ang MYX Moves ngayong Linggo, Setyembre 17, sa Ayala Mall South Park. Bumoto para sa inyong paboritong dance crew sa myxmoves.myxph.com.

Makisaya kasama si Empoy bilang MYX Celebrity VJ sa Pinoy MYX hanggang Setyembre 16, Mellow MYX, Setyembre 17 hangang 23, at My MYX, Setyembre 24 hanggang 30. Mapapanood ang MYX sa Skycable Channel 23. Para sa karagdagang update tungkol sa MYX schedule at sa “2nd MYX Moves Street Dance Competition,” mag log on sa www.myxph.com, at i-follow ang MYX sa Instagram (@myxph) at Twitter (@myxphilippines).