Ni REGGEE BONOAN

TINANONG si Sam Concepcion tungkol sa masasabi niya sa pagbabago ng katauhan ni Charice Pempengco na Jake Zyrus na ngayon. Matatandaan na tinalo niya si Charice sa first season ng Little Big Star (2006).

SAM AT VERONIQUE copy copy

Napaisip nang matagal ang singer/actor nang unang marinig ang Jake Zyrus, nu’ng sabihing si Charice ay saka lang niya naalala.

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

“Siyempre, it came as a surprise to everyone and to myself included, pleasantly surprised. But that’s what he wants to take, his career and his personal life and his music and he’s working very well then,” sagot ng binata.

Sa tingin ni Sam, makakatulong ito sa career ni Charice?

“Ah...,” sabay tawa, “wala kasi akong experience sa ganyan kaya hindi ko alam. Pero choice n’ya ‘yun, eh. Gusto niyang to be called that, why not? By all means!”

Nanatiling bukas ang komunikasyon nina Sam at Charice pagkatapos ng Little Big Star.

“Oo naman, after kasi medyo nag-iba na ‘yung career path ko, I started doing television, nagseserye na ako no’n ‘tapos gumagawa na ako ng album, and she was also doing shows and from time to time, nagkakatrabaho naman kami.”

Naitanong din kay Sam kung in speaking terms na ba sila ni Anne Curtis na eventually ay makakasama na niya sa Viva Artist Management ni Veronique del Rosario-Corpus.

“Oo naman! Oo naman, of course. If I see her sa ABS (CBN), I say hi, okay naman,” alanganing sagot ni Sam, halatang hindi niya inaasahang itatanong ito sa kanya.

Nagkaroon kasi ng hindi pagkakaunawaan sina Anne at Sam noon dahil hindi boto ito sa kanya bilang boyfriend ng kapatid nitong si Jasmine Curtis Smith.

Nagpang-abot sina Anne at Sam sa birthday party ni Vice Ganda sa isang private bar and restaurant sa The Fort noong 2014. Tinalakan ng una ang huli sa harap ng maraming tao ng, “Bakit mo niloloko ang kapatid ko?” at sabay sabi pa ng, ‘Why are you here? Who invited you? You are not classy enough to be here!”

Pagkatapos ng pangyayaring ito ay hindi na nagkita at nag-usap ang dalawa hanggang sa naapektuhan na rin ang relasyon nina Sam at Jasmin na humantong sa hiwalayan.

Ngayon ay may kanya-kanya nang karelasyon ang dalawa at parehong masaya sa kanya-kanyang buhay.

Paliwanag ng manager ni Sam na si Carlo Orosa, “At that time kasi alam naman nating may hindi boto kay Sam kaya patago ang relasyon nila plus the fact na magkaiba sila ng network (TV5 si Jasmine at ABS-CBN naman ang binata).”

Samantala, pagkalipas ng walong taon na hindi na nag-renew si Sam ng kontrata sa Star Magic ay lumipat na siya sa Viva Artist Agency.

“Two heads are better than one,” sabi ng Carlo sa amin. “We know naman that he’s multi-talented, he’s not just a singer, he’s also a very good actor and I think Viva Films will be able to afford him the big break in terms of films. And of course that is what were excited about kasi we’ve known Viva, sino ba ang hindi dumaan sa Viva? Kahit ako dumaan din sa Viva many years ago. They’re really multi-media and I think, they would be able to expand Sam’s career in terms of becoming a big movie star and that’s what we’re looking into now. That’s the big focus for this contract deal.”