Ni REMY UMEREZ

MULING namalas sa presscon ng Super Ma’am ang ageless beauty ni Helen Gamboa. Sa kanya ipinagkatiwala ang papel bilang Lolita Honorio, ang lola ni Minerva (o Super Ma’am) na ginagampanan ni Marian Rivera.

Helen Gamboa (1) copy copy

Ang karakter ni Helen ang gagabay sa apo sa pagpuksa sa evil creatures na tamawo na nakapagpapalit ng anyo.

Kahayupan (Pets)

Libreng kapon sa mga pusang 'Maris' at 'Anthony' ang pangalan, handog ng isang veterinarian

Ayon sa batikang aktres, second time niya ito sa istoryang may mythical creatures. Sa Darna and the Giants ay isa siyang alien creature na mahigpit na nakalaban ni Vilma Santos bilang Darna. She was completely deglamourized sa ending ng pelikula.

Hindi itinago ni Helen ang kanyang paghanga kay Marian Rivera na gaganap namang teacher na may buong puso ang malasakit sa kanyang mga estudyante.

“I really enjoyed working with her,” sabi ni Helen. “Off camera ay humihingi siya ng tips on motherhood. Pinabilib din niya ako kasi kinakarir niya ang mga action scenes.”

The durable actress has reached that point sa kanyang career na mamili ng tamang role na hahamon sa kanyang acting skill. Mahalaga sa kanya na may aral na mapupulot ang mga manonood lalung-lalo na ang kabataan.

Tampok din sa Super Ma’am ang special appearances nina Jackielou Blanco, Carmina Villaroel, Dina Bonnevie, at Ai Ai delas Alas.

Ang younger cast ay binubuo nina Matthias Rhodes, Kim Domingo, Isabelle de Leon, Kristoffer Martin, Ash Ortega at marami pang iba.

Pilot na ng Super Ma’am sa Lunes, September 18, sa GMA Telebabad.