Ni: Mary Ann Santiago

Sugatan ang isang lalaking pasahero nang pagsasaksakin ng dalawang hindi nakilalang holdaper matapos na manlaban sa mga ito sa loob ng isang pampasaherong bus sa Barangka Ilaya sa Mandaluyong City, kahapon ng madaling araw.

Under observation pa ngayon sa ospital ang biktimang nakilala lamang sa pangalang Ronnie Lagman, habang nakatakas naman ang dalawang hindi nakilalang holdaper.

Sa ulat ng Mandaluyong City Police, dakong 2:00 ng umaga at sakay si Lagman sa pampasaherong bus at binabagtas ang northbound lane ng EDSA nang pagsapit sa tapat ng Robinson’s Pioneer ay magdeklara ng holdap ang mga suspek, na nagpanggap na pasahero.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tinangka umanong manlaban ng biktima at tumangging ibigay sa mga suspek ang kanyang mahahalagang gamit, kaya nagalit ang mga suspek at pinagsasaksak siya ng balisong.