Ni: Bella Gamotea

Magpapatupad ng big-time oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng umaga ng Setyembre 12 ay magtataas ng P1.30 sa presyo ng kada litro ng diesel, 90 sentimos sa kerosene, at 45 sentimos naman sa gasolina.

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis sa kahalintulad na dagdag-presyo sa petrolyo, na bunsod ng

pagtaas ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

Sen. Kiko, nirerespeto desisyon ni Mayor Leni pero pinakamalakas na pambato pa rin sa 2028!

Setyembre 5 huling nagtaas-presyo ang oil companies.