Ni NORA CALDERON

THE long wait is over.

Ikinatuwa ng AlDub Nation ang balita na tuloy na ang paggawa ng bagong pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Napakatagal kasi nilang naghintay ng susunod na pelikula pagkatapos ng Imagine You & Me na ipinalabas noon pang July 13, 2016. Inuna muna kasi ang romantic-drama series na Destined To Be Yours sa GMA-7 na hindi satisfied ang Aldub Nation dahil tumagal lang ito ng one season or three months, dahil sabi nga ay isusunod na ang pelikula ng dalawa na balitang sa ibang bansa uli kukunan.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

MAINE AT ALDEN copy copy

Matatandaan na sa Italy sila nag-shooting ng Destined To Be Yours.

Pero ilang months na ang lumipas, hindi pa rin natutuloy ang movie maliban sa balitang nagti-training sina Alden at Maine na kailangan daw sa gagawin nilang movie na romance-action. Happy ang fans na may pagka-mature na ang tema ng movie. May mga nag-suggest pa nga ng type ng movie na gusto nilang gawin ng dalawa na magpapakita ng kahusayan nila sa acting at action.

Pero pareho pa ring very busy ang schedule ng magka-love team, lalo na si Alden na may mga show here and abroad. Si Maine, kahit nandito lang sa bansa, sunud-sunod din ang photo shoots at TV commercial shoots ng new endorsements.

Lalo matutuwa ang fans nila sa balitang natuloy na ang story conference ng next movie nina Alden at Maine. Pero tulad noong nag-storycon sila ng first movie nila, bukod sa production ay walang outsiders na nakaalam sa istorya, konsepto at pati na sa magiging title nito. Ang sure lang, may halong action nga ito dahil nga pinag-training muna sila para alam nila ang dapat nilang gawin kapag kukunan na ang action scenes.

Tiyak din na anytime now ay magsisimula na sila ng shooting, dahil may free days na sina Alden at Maine para rito.

Ang location? Wala pang pahayag ang APT Entertainment at GMA Films, pero may usap-usapan na dito sa Pilipinas kukunan. Ang pelikula ay muling ididirihe ni Mike Tuviera.