Maya at Geoff
Maya at Geoff

SI Geoff Eigenmann na mismo ang nakasagot sa tanong namin sa kuya niyang si Ryan Eigenmann na hindi nito masagot nang interbyuhin namin sa taping ng Impostora.

Naikuwento ni Ryan na magiging tatlo na ang anak nila ng asawang si Cathy dahil buntis ito. Kaya tinanong namin siya kung bukod sa ipinagbubuntis ng asawa ay may iba pang madadagdag sa Eigenmann family dahil balitang buntis ang girlfriend ni Geoff na si Maya.

Hindi sumagot si Ryan, ngumiti lang.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Pero kamakalawa, nag-post ng pictures si Geoff ng very pregnant na si Maya. May caption na “Just a couple more weeks my loves.”

Nag-post din si Maya ng preggy photos niya sa Instagram at may caption na, “Momma to be” at “We can’t wait to meet you!!!”

Kabilang sa mga nag-congratulate kay Geoff sina Piolo Pascual, Rodjun Cruz, Daniel Matsunaga, Rafael Roselle at Angelika dela Cruz, uncle niyang si Michael de Mesa at auntie niyang si Cherie Gil.

Sa laki na ng tiyan ni Maya, malapit na nga itong manganak at malapit na silang maging parents ni Geoff. Hindi pa ipinaaalam kung ano ang gender ng magiging baby nila. --Nitz Miralles