Pinatunayan ng Asian boxers na sila ang hari ng super flyweight division dahil matapos talunin via 5thround TKO ni Filipino American Brian Viloria si Puerto Rican American Omar Cartagena ay nanalo rin sa knockouts sina Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand at Naoya Inoue ng Japan para mapanatili ang kanilang mga korona sa StubHub Center, Carson, California kahapon.

Pinatulog ni Srisaket sa pamamagitan ng isang right hook si three-division world champion Roman “Chocolatito” Gonzalez ng Nicaragua sa 4th round para mapanatili ang kanyang WBC super flyweight title. Hahamunin siya ng mandatory challenger na si Juan Francisco Estrada ng Mexico na nanalo naman sa 10-round unanimous decision sa eliminator bout laban sa kababayang si Carlos Cuadras kahapon din.

Napaganda ni Srisaket ang kanyang rekord sa 43-4-1 win-loss-draw na may 39 panalo sa knockouts samantalang bumagsak ang rekord ng dating pound-for-pound king na si Gonzalez sa 46-2-0 win-loss-draw na may 38 pagwawagi sa knockouts.

Pinatunayan naman ng “The Monster” na si Inoue na siya ang dapat katakutan sa dibisyon nang mapatigil sa 6th round ang Ameriknaong si Antonio “Carita” Nieves.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Dinominahan ni Inoue si Nieves sa loob ng apat na rounds bago ito napabagsak sa 5th round sa pamamagitan ng body shot. Hindi na tumayo para sa 6th round si Nieves para mapanatili ni Inoue ang kanyang WBO super flyweight crown na posibleng idepensa kay Viloria.

Napaganda ni Inoue ang kanyang rekord sa perpektong 14 panalo, 12 sa knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Nieves sa 17-2-2 win-loss-draw na may 9 pagwawagi sa kncokouts. - Gilbert Espeña