Ni JIMI ESCALA

KASAMA ang dalawang kaibigang reporters, naglibot kami sa ilang SM cinemas nitong nakaraang Biyernes ng gabi at nasaksihan naming medyo mahina ang pasok ng tao sa pelikulang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha. 

SHARON copy

Nasalubong namin ang ilan sa kakilala naming fans ni Sharon Cuneta, bida sa naturang pelikula, na obviously galing sa loob ng sinehan. Aminado sila na hindi ganoon karami ang tao sa loob ng sinehan. 

Human-Interest

KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na

“Ibang-iba sa mga dating pelikula ni Sharon. Siguro medyo nanibago sila, first time ni Sharon na gumawa ng indie,” sey sa amin ng dalawang tagahanga ng megastar. 

Dagdag pa nila, maganda naman daw ang pelikula at maganda rin ang reaksiyon ng mga taong nakasabay nila sa panonood. 

“Maaari pang bumawi ang pelikula pagdating ng weekend lalung-lalo na pagdating ng Linggo,” sey pa ng fan ni Ate Shawie. 

Pero mula sa isang very reliable source, nalaman naming may mga sinehan na nagpapalabas ng Ang Pamilyang Lumuluha na nagpu-pull out na dahil sobrang hina ng pasok ng moviegoers.

From the same source din namin nalaman na mismong si Sharon ang nag-request sa mga bossing ng Star Cinema na bigyan ng commercial release ang Ang Pamilyang Lumuluha.

Pero tiwala pa rin ang kausap namin na makakabawi si Sharon sa next movie niyang gagawin lalo na si Robin Padilla ang magiging leading man. 

May plano rin daw na pagsamahin sa pelikula sina Sharon at Vilma Santos na ang tema raw ay malapit sa role nila sa tunay na buhay, dahil gagampanan nila ang pagiging asawa ng pulitiko.