Ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways - National Capital Region (DPWH-NCR) ang reblocking sa 11 kalye sa lungsod ng Quezon, Pasig, at Caloocan, simula 11:00 ng gabi ng Biyernes hanggang 5:00 ng madaling araw ng Lunes.
Pinapayuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatihong ruta.
Binanggit ni DPWH-NCR Director Melvin Navarro ang reblocking sa pangalawang lane, southbound, ng A. Bonifacio Ave. mula sa Dome St. hanggang Sgt. Rivera; pangalawang lane, southbound, ng Mindanao Ave. mula Tandang Sora sa harap ng Shell; pangatlong lane, southbound, ng EDSA mula Kaingin Road at Dario Bridge; truck lane, southbound, ng E. Rodriguez Jr. Ave. hanggang Greenmeadows Ave. at pagkatapos ng Boni Serrano Flyover sa Quezon City; at southbound ng C-5 Road malapit sa Julia Vargas sa Pasig City.
Apektado rin ang pangalawang lane, northbound, ng C.P. Garcia Avenue mula University Ave. hanggang Maginhawa Street; northbound ng Luna Road mula East Avenue hanggang Kalayaan Avenue; ikalawang lane, northbound, ng Quirino Highway kanto ng La Mesa Dam Road; at northbound ng Manila East Road sa harap ng SM East Ortigas, sa Pasig City. - Mina Navarro