Ni: Jun N. Aguirre

KALIBO, Aklan – Patay ang dalawang motorcycle rider matapos bumanga ang sinasakyang motorsiklo sa poste ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) sa Barangay Linabuan Norte, Kalibo, Aklan.

Kinilala ang mga biktimang sina Jovy Francisco, 20; at Maryniel Sauza, 19, kapwa tubong Libacao, Aklan.

Ayon kay PO3 Ernel Milleondaga, ng Kalibo Police, papuntang bayan ng Banga ang mga biktima nang mangyari ang aksidente.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Pinaniniwalaang nakainom ng alak si Francisco dahilan para maging mabilis ang takbo ng motorsiklo nito hanggang sa mawalan ng kontrol at mabangga sa poste.