GINAPI ng Manuel Luis Quezon University, sa pangunguna nina Gianne Paolo Rivera at Clarence Tiquia, ang New Era University, 87-77, para makapasok sa win column ng NAASCU Season 17 basketball tournament kahapon sa RTU gym sa Mandaluyong.

Nagsalansan si Rivera ng game-high 24 puntos mula sa 7-of-16 shooting, habang kumubra si Tiquia ng 22 puntos, tampok ang 3-of-5 three-point clip para sa unang panalo sa tatlong laro ng Stallions.

Nag-ambag si Jayson Grimaldo ng 10 puntos at pitong rebounds sa Stallions na pinangangasiwaan ni coach Rainier Carpio.

Nanguna sa New Era si Nemesis de la Cruz na may 17 puntos.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Sa ikalawang laro, pinulbos ng St. Clare College-Caloocan ang AMA University, 96-68.

Sa ibang mga laro, winalis ng St. Clare College-Caloocan ang AMA University, 96-68; at ginulat ng St. Francis ang Philippine Christian University, 61-59.

Nagtulong sina Russel Fuentes, Junjie Hallare, import Mohamed Pare at Irven Palencia para sa 50 puntos ng Saints nina NAASCU president Dr. Jay Adalem at coach Jino Manansala.

Ang Saints ay umakyat sa 5-1 habang ang Titans ay bumagsak sa 2-3 sa Group A.

Iskor:

(Unang laro)

SCC (96) -- Fuentes 18, Hallare 11, Pare 11, Palencia 10, Puspus 8, Catura 8, Dionisio 7, Alcober 6, Rebugio 4, De Mesa 4, Mendoza 3, Rubio 3, Principe 2, De Leon 1,Lumabas 0

AMA (68) -- Bragais 14, Graham 13, Celso 9, Labreque 8, Salonga 6, Magpantay 6, Calma 4, Pippin 3, Quijano 3, Macaranas 2, Carpio 0.

Quarterscores: 18-19, 45-36, 68-46, 96-68.

(Ikalawang laro)

MLQU (87) -- Rivera 24, Tiquia 22, Lao 11, Grimaldo 10, Jamila 9, Dela Cruz 8, Estrella 3, Dela Punta 0.

NEU (77) -- Dela Cruz 17, Velchez 10, Asistio 10, Castillo 9, Akindele 7, Udjan 7, Perez 6, Bringas 3, Magkalas 2, Absin 2, Reyes 2.

Quarterscores: 11-14, 43-31, 63-48, 87-77

(Ikatlong laro)

SFAC (61) -- Cruz 14, Lanoy 12, Toloso 9, Cenita 8, Chu 6, Larotin 4, Parcero 4, Cristobal 2, Manzanilla 1, Derama 1, Ceguerra 0

PCU (59) -- Sason 18, Tambeling 15, Ayonayon 9, Saldua 8, Mescallado 7, Malto 0, Palattao 0.

Quarterscore: 7-15, 30-33, 43-54, 61-59