Ni: Jimi Escala

KINUMPIRMA sa amin ng isa naming kaibigan na malapit sa kay Kirst Viray, ang ramp/print/commercial model na sinasabing boyfriend ni Kiray Celis na tapos na ang relasyon ng dalawa.

KIRST AT KIRAY copy

Kuwento ng source, si Kirst ang nakipaghiwalay kay Kiray. May mga rason ng hiwalayan ng dalawa na ibinigay ang kausap namin.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Dagdag pa ng source, na siyang nag-alaga kay Kirst noong sumasali ito sa male talent/personality search, medyo nanibago raw ang model sa pinasok na pakikipagrelasyon sa isang taga-showbiz.

“Na-shock talaga si Kirst dahil may mga bagay-bagay daw na kahit hindi totoo ay dapat palalabasin na totoo,” bitin na banggit ng source namin.

Kaya pala ilang araw nang nagpo-post si Kiray ng “hugot lines/quotes” sa Instagram.

“Don’t cry because it’s over. Smile because it happened,” sabi sa isang post ng actress/comedienne.

Matatandaang katakut-takot na pamba-bash ang tinanggap ni Kiray dahil hindi naman daw sila bagay ni Kirst at mukhang nag-iilusyon lang daw ang komedyana. Pero hindi nagpaapekto si Kiray.

Tuluy-tuloy ang pagpo-post ni Kiray sa social media at dedma pa rin sa mga pamba-bash sa kanya. Kumbaga, consistent lang si Kiray, hindi siya nakikipagbangayan sa bashers.