Ni: Lyka Manalo

NASUGBU, Batangas – Patay ang isang executive ng kumpanya matapos umanong malunod sa karagatang sakop ng Nasugbu, Batangas.

Kinilala ang biktimang si Dennis Heruela Racelis, 56, vice president ng Pilmico Animal Nutrition Corporation at residente ng Capaz, Tarlac.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 2:40 ng hapon nitong Sabado nang malunod ang biktima.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nabatid sa report na kalahok ang biktima sa isang triathlon event sa Hamilo Coast sa Nasugbu.