Ni: Liezle Basa Iñigo

Natagpuan ang isang bangkay ng lalaki sa Bounty Fresh Onyx Dressing Plant sa Barangay Magnuang, Batac City, Ilocos Norte kahapon.

Kinilala ang biktimang si Michael Andres, 31, residente ng Bgy. Magnuang, Batac City.

Dinatnan umano ni Janu Mari Duque ,27,ng Gregorio Del Pilar, Ilocos Sur, karelyebo ng biktima, na wala nang buhay si Andres dakong 8:00 ng umaga ng Linggo.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Iniimbestigahan na ng pulisya ng sanhi ng pagkamatay ng biktima.