LOS ANGELES (AFP) – Isang dambuhalang sunog na inilarawang pinakamalaki sa kasaysayan ng Los Angeles ang nagtulak sa daan-daang katao na umalis sa kanilang mga tirahan nitong Sabado.

Sinabi ni Mayor Eric Garcetti sa mga mamamahayag na ang sunog, sumiklab noong Biyernes at nilamon ang mga burol sa paligid nito sa hilaga ng Burbank kinagabihan, at 2,000 ektarya na ang tinupok ng apoy, idinagdag na: “In terms of acres involved this is probably the largest fire in L.A. city history.”

Sinira ng apoy ang isang bahay at nagpuwersa ng paglikas ng halos 500 kabahayan sa iba’t ibang bahagi ng lungsod at katabing bayan ng Glendale. Mahigit 500 bombero ang rumesponde.
Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline