Ni NORA CALDERON

SA Paris, France ang weekend ng mag-anak na Dingdong Dantes, Marian Rivera and their unica hija na si Baby Zia.

September 2, Paris time, um-attend sila sa wedding doon nina Dr. Hayden Kho at Dr. Vicki Belo.

Isa kasi si Baby Zia sa flower girls kasama ang anak ng mga bagong kasal na si Scarlet Snow. Sina Dingdong at Marian ay dalawa sa endorsers ng Belo Medical Clinic kaya hindi puwedeng hindi sila kabilang sa wedding entourage ng mga ikinasal, tulad din ng iba pang endorsers and friends na dumayo sa Paris.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

MARIAN ZIA AT DINGDONG copy

Pero after the wedding, hindi na puwedeng mag-extand ng stay doon ng mag-anak dahil kailangan na nilang bumalik sa kani-kanilang trabaho.

Didiretso si Dingdong ngayong Monday sa taping ng Alyas Robin Hood 2 na mas malalaki raw ang eksenang kukunan na mapapanood na rin agad sa papasok na linggong ito. Sa teaser last Friday, ipinakita na ang characters nina Solenn Heussaff as Iris Lizeralde at si Ruru Madrid bilang si Andres Silang, isa ring vigilante na tulad ni Alyas Robin Hood, pero lihim ang pagkatao at kilala lamang bilang The Marbleman.

Bago pa man sila umalis, nag-taping na si Marian ng Super Ma’am na gaganap siya sa iba’t ibang role dahil may pagka-fantasy ang bagong teleserye niyang ito at may special power na ibinigay sa kanya. May mga eksena na siyang nakunan kasama sina Ms. Helen Gamboa, Carmina Villarroel, at Ms. Ai Ai delas Alas in a very special role. Kaya balik-taping na rin si Marian sa Tuesday, September 5. Mula direksiyon ni LA Madridejos, mapapanood na sila sa third week ng buwang kasalukuyan.