Ni: Rommel P. Tabbad
Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isa pang low pressure area (LPA) sa bahagi ng hilagang Luzon na posibleng maging bagyo.
Sinabi kahapon ng PAGASA na nasa labas pa ng Philippine area of responsibility ang LPA at nasa layong 2,590 kilometro ng silangan ng hilagang Luzon.
Inaasahan ng PAGASA na mag-iipon ito ng lakas sa mga susunod na araw.
Nagbabala rin ang PAGASA na asahan ang pag-ulan sa katimugang Luzon, Visayas at Mindanao bunsod na rin ng intertropical convergence zone (ITCZ).