Ni BELLA GAMOTEA

Inaalam na ng Muntinlupa City Police ang motibo ng riding-in-tandem sa pagpatay sa isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot si Chief Inspector Ernesto Vega Eco, 39, ng Block 1, Lot 4, Phase 3, Countryhomes Subdivision, Barangay Putatan, Muntinlupa City, dahil sa tama ng mga bala sa katawan.

Humarurot, sakay sa motorsiklong walang plaka, naman ang dalawang hindi pa nakikilalang armado matapos isagawa ang krimen.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ulat na ipinarating kay Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO) Chief, Supt. Jenny Tecson, naganap ang pamamaril sa tapat ng PRL Fastfood Restaurant sa National Road, Bgy. Poblacion, Muntinlupa City, dakong 8:00 ng gabi.

Minamaneho ng biktima ang kanyang sports utility vehicle (SUV), na may plakang AOA-3670, sa nasabing lugar nang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang una.

Sa pagbulagta ni Eco, mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi batid na direksiyon.

Ilang basyo ng bala ang narekober sa pinangyarihan.