Ni: Lyka Manalo

CALACA, Batangas - Arestado ang isang lasing na lalaki matapos na mag-amok sa gitna ng kalsada, nanuntok ng motorista at nanipa ng rumespondeng pulis, sa Calaca, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang naarestong si Arwin Formentos, 34, ng Barangay Coral ni Bakal, Calaca.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 5:30 ng hapon nitong Biyernes nang pumasok umano ang lasing na suspek sa bahay ni Analyn Delos Reyes at nagwala.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Hinarang din umano ng suspek si Rowell Pastores, 33, na sakay sa motorsiklo tsaka pinagsusuntok at pinagbabato sa ulo at mukha.

Sinipa sa tiyan at pinagmumura pa umano ng suspek ang rumespondeng si PO3 Wilson Asuncion.

Naghihimas ng rehas ngayon si Formentos sa Calaca Municipal Police Station.