Ni: Jun N. Aguirre

BORACAY ISLAND – Arestado ang isang dating miyembro ng Philippine Army matapos umanong maaktuhang nagtutulak ng ilegal na droga sa sanib-puwersang buy-bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit at Boracay Police.

Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Alexis Garcera, 33, tubong Tapaz, Capiz.

Ayon kay Chief Inspector Frenzy Andrade, hepe ng Provincial Drug Enforcement Unit, nagtatrabaho si Garcera sa isang resort sa Boracay bilang chief security officer.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Narekober umano sa suspek ang 13 sachet ng pinaghihinalaang shabu, isang .9mm caliber pistol, at P1,000 marked money.