Ni: Reggee Bonoan

MAY plano sana si Shaina Magdayao na magpahinga pagkatapos ng The Better Half TV series dahil masyado silang napagod lahat sa taping at para maipagamot na rin ang sakit niyang hypo-thyroid.

SHAINA copy copy

“Sobrang bigat din ng role kasi kaya may mga manifestation, allergic reactions, nag-trigger lang dahil sa stress ng trabaho. It’s not actually bad kind of stress, pero kasi I’m taking may job seriously more than ever. Sobrang mahal ko itong grupo na ito, itong show na ito,” pahayag ni Shaina.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Hindi nagpapabaya sa kalusugan ang dalaga, katunayan, in contact siya sa mga doktor at espesyalistang gumagamot sa kanya.

“Mga immunologist, they take care of me naman. ‘Tapos the staff kapag nakita nilang medyo nagma-manifest na ‘yung reactions, we try to slow down, pero hindi mo talaga maiiwasan, eh, lahat ng alternative medicines like acupuncture nagawa ko na, wala lang time mag-yoga. So far okay naman,” kuwento ng dalaga.

Busiest year ni Shaina ang 2017 dahil nagkasabay-sabay ang mga ginagawa niya tulad nga nitong The Better Half, pelikula nila ni Piolo Pascual mula sa direksiyon ni Lav Diaz na sa 2018 pa ipapalabas, at ang pinagkaabalahan niyang Smile Cares Foundation na pumartner sa Yes PInoy Foundation ni Dingdong Dantes.

“After our last taping day of The Better Half on Monday or Tuesday, I will fly to Singapore to shoot a movie with Direk Lav Diaz for the second time for the movie of Ma’am Charo Santos (Concio). Kaya hindi mo gugustuhing magpahinga kung ganito kagaganda ang maibibigay.

“Si Ma’am Charo I think was there already and we’ll be shooting there for ten days and when I get back, the next day we’ll fly to Siargao because the first activity and the event of the Smiles Cares Foundation ay gagawin doon. We are going to work with UPLB, they will test the soil kung anong puwedeng itanim doon na puwedeng makatulong sa community.

“And then when I get back from Siargao, ayaw ni Lord na magpahinga ako, may unexpected surprise akong natanggap last week and I considered this my early birthday gift, I had a blast working with the GMO unit, but looking forward being reunited with Dreamscape (Entertainment) again for a new show. Kaya ‘yun po, puro pasasalamat, at pagdating ng birthday (November 6) ko ay pupunta sa Italy para magpasalamat kay Padre Pio (Pio of Pietrelcina) para sa napakagandang second quarter ng aking taon,” patuloy na kuwento ni Shaina.

Nitong nakaraang tatlong linggo, ipinahinto muna ng dalaga ang lahat ng business meetings niya dahil kailangan niyang mag-concentrate sa mga gagawing matitinding eksena sa The Better Half.