Ni REGGEE BONOAN

DAPAT sigurong sundin ni Sam Milby ang payo ng gastroenterologist niya para hindi lumala ang ulcer niya.

Sa shooting kasi niya ng Pambansang Third Wheel kasama si Yassi Pressman, bumagsak sa banyo ang aktor na ikinabahala ng production staff.

YASSI AT SAM copy

Human-Interest

Beking nakabuntis ng tibo, 'di apektado sa hanash ng ibang tao: 'Close ba tayo?'

Wala sa tabi ni Sam ang girl Friday niyang si Nene kaya hindi siya napagbawalang uminom ng juice na naging dahilan ng grabeng pagkirot ng tiyan niya.

Matagal nang ipinagbawal sa aktor ang pag-inom ng kape o lahat ng inuming may caffeine dahil nga sa acid reflux niya na nauwi na nga sa ulcer.

Mahilig kasing uminom muna ng kape si Sam nang wala pang laman ang tiyan, na hindi dapat.

At dahil sa nangyari, na-pack-up ang shooting ng Pambansang Third Wheel at nagpahatid na si Sam sa condo dahil ayaw namang magpadala sa hospital.

As of this writing ay umokey na ang pakiramdam ng binata at kung kakayanin o hindi magbabago ang schedule ay may balik-shooting siya ngayong araw, Linggo.

Sa pagtatanong namin sa production, wala silang angal na katrabaho si Sam dahil masunurin at napakabait bukod pa sa magaling makisama.

“Nawindang lang nu’ng nagpagupit ng buhok si Sam sa US, eh, may continuity, pero the rest okay naman,” sabi ng taga-production.

Nagkaroon kasi ng TFC series of shows sa US si Sam kasama si Iñigo Pascual.

Puring-puri rin si Yassi na sobrang propesyonal at laging on time kung dumating sa set (ito rin ang kuwento ni Direk Malu Sevilla sa set ng FPJ’s Ang Probinsyano).

“Nakakatuwa kapag ang mga artista mo maayos katrabaho at professional, sana lang hindi na ulit magkakasakit si Sam, ha-ha-ha,” natawang kuwento ng kausap namin.

Ang Pambansang Third Wheel ay mula sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal produced ng Viva Films.

In fairness, ratsada ngayon ang Viva Films, ang dami nilang naka-line up na pelikulang gagawin bukod pa sa mga biniling foreign films.