SA likod ng kanyang kontrobersiyal na paglalantad bilang transman at pagpapalit ng pangalan, paano nga ba natagpuan ni Jake Zyrus ang kanyang tunay na pagkatao?
Lalo pang kilalanin si Jake sa kanyang natatanging pagganap sa kanyang life story ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya.
Walang ibang hinangad si Jake kundi tanggapin ng mga tao ang kanyang kasarian, lalo na ng kanyang ina. Bata pa lamang ay napansin na niyang mas madalas siyang nagkakagusto sa mga babae kaysa sa mga lalaki.
Bagamat aminado siya sa sarili niya na iba siya, pinilit pa rin niyang humarap sa publiko bilang babae.
Paano nagawang itago ni Jake ang kanyang tunay na pagkatao? Ano ang nag-udyok sa kanya upang magpakatotoo at lumantad na bilang si Jake Zyrus?
Makakasama rin sa naturang episode sina Sharlene San Pedro, Mutya Orquia, Paul Salas, Andrei Garcia, Erin Ocampo, Mike Lloren, Karla Pambid, at Troy Montero.
Ang episode ay mula sa panulat ni Benson Logronio at sa direksiyon ni Nuel Naval. Ang MMK ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou N. Santos.