Ni NITZ MIRALLES

ANG pakikipag-usap pala kay Willie Revillame ang binanggit na business meeting ni Kris Aquino na pinuntahan niya last Thursday evening, August 24. Ginanap ang meeting nila sa Edsa Shangri-La Hotel kung saan , at kasama ni Kris si Arnold Vegafria. Si Arnold ang sinasabing bagong manager ni Kris sa TV after mag-expire ang kontrata niya kay Mr. Tony Tuviera.

KRIS WILLIE AT ARNOLD copy

Sa caption ng picture na ipinost ni Kris after the meeting, ang sabi niya, “I had a productive 5-hour meeting with my future BOSS & his core staff. Exciting times ahead.”

Dahil sa meeting na ‘yun, marami ang naniwalang malapit na ang pagbabalik ni Kris sa telebisyon at dahil sa GMA-7 may show si Willie, sa Kapuso Network din magkakaroon ng show si Kris.

Human-Interest

ALAMIN: Kailangan bang araw-araw pinapaliguan ang buhok?

Ang palagay din ng mga nakabasa sa caption ni Kris, si Willie ang magiging producer ng kanyang show sakaling bumalik na nga siya sa telebisyon.

Maghintay-hintay na lang ang fans ni Kris na sobra na siyang nami-miss mapanood sa free TV at mukhang hindi na magtatagal ang kanilang ipaghihintay. Excited na ang fans ni Kris kung anong show ang kanyang gagawin sa kanyang pagbabalik.