Ni JIMI ESCALA

ISA isa Karen Davila sa mga hinahangaan naming broadkaster/komentarista. Matapang at may paninidigan si Karen Davila.

Kay Ms. Karen lang namin narinig ang mga katagang, ”Si Kian ay hindi nanlaban, siya’y walang kalaban-laban.”

Sa totoo lang, galing sa puso at base sa kanyang mga nakalap na impormasyon ang naturang pahayag ni Karen. Kaya lalo pang dumami ang napahanga ng Kapamilyang news anchor at host.

Human-Interest

KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na

KAREN copy

Kaya sa mga pahayag naman ni PCOO Undersecretary Mocha Uson na tipong naghahanap pa ng puwerba, dapat ay makinig na lang siya sa mga balita at komentaryo ni Karen.

“Huwag na kasing ipagtanggol ang mali. Ang mali ay mali. Huwag baluktutin at kung anu-ano pang ipinapalabas nila against Kian,” say ng beteranang manunulat na kaibigan namin.

Dagdag naman ng isa pa naming kasama, napatunayan nang walang pinaputok na baril si Kian at walang pulbura saan mang bahagi ng katawan ng 17 year-old na nabiktima ng pamamatay.

Isa pang napahiya, na dapat makinig na rin kay Ms. Karen, ay iyong isang babae na ipinangalandakan pang kasama raw ni Vice President Leni Robredo ang pulis na di umano’y isa sa mga salarin ng Grade 11 student.

Pahiyang-pahiya silang lahat at dapat lang na pangaralan kayo ni Ms. Karen Davila, huh!

Samantala, pagkatapos maalis bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na basta na lang siya gumawa ng announcement na tinutulan daw niya ang pagpapalabas sa TV ng aniya’y soft porn, dumarami na rin ang nanawagang magbitiw sa puwesto bilang PCOO assistant secretary si Mocha Uson.

Tama ba naman kasing mag-post siya sa social media tungkol sa larawan ng mga sundalo sa Marawi raw na kuha naman pala sa abroad. Ang latest ay ang inilabas na larawan ng office ni Mocha na isang pulis na naghihintay daw ng pakikiramay pero mahigit isang taon na pala nang maganap at lumang larawan pala ‘yun, huh!