Ni NITZ MIRALLES

PARANG may mabigat na dinadala sa dibdib si Sharon Cuneta sa post niya sa Instagram na, “Money really can’t buy happiness... But at least it helps to make you feel a little better when you’re drinking expensive alcohol from a 30-year-old crystal champagne flute (whose whole set is going to KC (Concepcion) as my pamana) -- when you feel like s-t... Haaay buhay.”

SHARON1 copy

May naunang post si Sharon na may picture ng glass ng champagne, “I rarely ever drink alcohol. Tonight I am going to.

Human-Interest

26-anyos na nabaon sa ₱2M na utang, nilalayuan na raw; netizens, relate-much

I need this! And it’s champagne which is one of the few alcoholic drinks I can tolerate.”

Mahal si Sharon ng kanyang fans kaya sunud-sunod ang comments na nagpapalakas ng kanyang loob, nagpapayo at nagpapaalala na lilipas din kung may problema siya. Mayroon ding nagbigay ng virtual hug at nagdasal na malampasan niya kung anumang problema ang dinadala niya.

Kung nababasa ni Sharon ang comments, matutuwa siya at kahit papaano, luluwag ang dibdib sa kung anumang problema ang dumating sa kanya na tila, hindi nalulutas.