Ni JIMI ESCALA

INAMIN ni Maja Salvador na nakikipag-date siya sa isang guy, pero napakaaga pa para sabihin na may relasyon na sila.

Young, rich, businessman at binata ang nasabing guy.

MAJA copy

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Mariing itinanggi ng bida ng Wildflower ang intriga na madalas siya nitong puntahan sa bahay niya. Hindi raw nangyari ‘yun dahil kadalasan ay naroroon siya sa taping ng Wildflower sa Tanay.

Pinabulaanan din ni Maja ang lumabas na isyung hindi pabor sa kanya ang pamilya ng guy na very close sa kanya ngayon.

“Sa totoo lang naman, eh, very close ako sa family niya. And matagal na kaming magkakaibigan. Sa totoo lang naman, eh, ever since parang kaparte na rin ako ng pamilya since high school pa kami,” sey pa ni Maja.

Pero kahit may ka-date na raw siya ngayon, prayoridad pa rin niya ang kanyang pamilya. Tinitiyak niya na kahit sobrang busy siya sa showbiz career niya, may nakalaang oras pa rin naman siya para sa pamilya lalo na raw sa kapatid niyang si Kirby.

Samantala, inamin ni Maja na nag-aaral siya ngayon ng English lessons. Paliwanag ng aktres, hindi naman siya nagmamarunong pero kailangan niyang mag-aral ng naturang wika.

“Hindi naman porke’t hindi ka confident sa English, eh, hindi mo na puwedeng subukan. Parang minsan kasi talaga, maging honest ka kung saan ka mahina at kung saan ka magaling,” seryosong lahad pa ng usap-usapan ngayong si Ivy Aguas ng Wildflower.