Ni: Yahoo Celebrity

HINDI maaaring ihanay sina Kate at Jon Gosselin, gumanap sa Jon and Kate Plus 8, sa kategorya ng “friendly exes” matapos magpatawag ng mga pulis ang isang opisina ng orthodontist dahil sa pagtatalo ng dalawa, nitong Martes.

Sinabi ng pulis sa E! News na dumating sila sa nasabing opisina bandang 1:10 ng tanghali dahil sa “verbal domestic dispute over child custody involving one minor (female, 13 years old).”

Jon at Kate copy

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Hinala ng TMZ, nagsimula ang pagtatalo sa usapin ng kustodiya ng bata na naayos na walong taon na ang nakalilipas.

Kapwa may physical custody sina Jon, 40, at Kate, 42, sa kanilang walong anak bagamat ang huli ang may full legal custody sa mga ito.

Dinala sa nasabing opisina ng isa sa dating mag-asawa ang 13-taong gulang na anak pero parehong dumating upang sunduin ang bata, at doon na nagsimula ang argumento. Nagsimula ang pagtatalo ng dalawa kung sino ang mag-uuwi sa bata. Sa huli, si Jon ang umuwi kasama ng bata, batay sa kagustuhan ng huli, at walang naganap na pag-aresto.

Sina Jon at Kate ay magulang ng 16-taong gulang na kambal, sina Cara at Madelyn, at 13-taong gulang na sextuplets; Aaden, Alexis, Collin, Hannah, Joel, at Leah. Naghiwalay ang dalawa noong 2009 pagkaraan ng sampung taong pagsasama bilang mag-asawa. Naging magulo ang samahan ng dalawa pagkatapos ng hiwalayan. Nobyembre nitong nakaraang taon, sa panayam kay Jon ng Entertainment Tonight, sinabi niya na hindi niya nakita ang walong anak na magkakasama “probably in three to four years.”

“I just go to the bus stop (at Kate’s house) and whoever I get, I get,” sabi niya nang isalaysay ang pagkakalayo sa mga anak. “Their chores supersede any activity. Their chores even supersede my custody, so if they don’t get their chores done, they’re not coming to my house.”

Bagamat hindi pa alam kung sino sa kanilang mga anak ang kabilang sa nasabing pagtatalo, inamin naman ni Jon na may panahon na ayaw umano umuwi ni Hannah sa bahay ni Kate pagkatapos nilang mamasyal.

“She just didn’t want to go home. She wasn’t getting out of the car, she just had a fear, and I wasn’t going to discuss it at the end (of the) driveway,” sinabi ni Jon sa ET matapos isalaysay ang “normal” na araw ng kanyang kustodiya. “So Leah went down, Aiden went down and Joel went down (to the gate of Kate’s house), and then I just texted Kate.”

Patuloy niya, “I’m like, ‘I’m taking Hannah back’ and of course she flipped out. So I was like, ‘You know where I live, here’s my address again in case you forgot it. You know you can call me.’ I kept Hannah and she just explained she was really stressed out and all this stuff, so I kept her (at my house) and Kate called the cops and filed a police report against me.”

Magkakaiba ang relasyon ni Jon sa walo niyang anak. Nitong Mayo, ipinagdiwang niya ang kaarawan ng sextuplet kasama ang apat lamang sa mga ito: Hannah, Leah, Joel, at Aaden.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na komento ang dalawang star tungkol sa sa kanilang huling pagtatalo.