Ni: Leandro Alborote

CAPAS, Tarlac – Itinumba ng riding-in-tandem ang isang negosyanteng Indian sa Block 32, Barangay Cristo Rey, Capas, Tarlac, Martes ng hapon.

Kinilala ni PO3 Aladin Ao-as ang biktimang si Kulwant Raj, 45, may asawa, ng Bgy. Corazon De Jesus, na nagtamo ng ilang tama ng baril sa iba't ibang parte ng katawan at dead on arrival sa Ospital Ning Capas.

Ayon sa witness, bandang 1:00 ng hapon at naniningil ng pautang ang biktima sa Barangay Cristo Rey nang sinundan siya ng riding-in-tandem at malapitang pinagbabaril sa katawan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog