GINAPI ng National University Bulldogs ang guest team West Crame-San Juan, 89-75, nitong Sabado para sa ikalawang sunod na panalo sa 15th Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament sa San Beda-Manila campus sa Mendiola.

Hataw sina Cyril Gonzales at Paul Manalang sa naiskor na 19 at 18 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa maagang pangunguna sa Group A ng seniors division.

Naungunsan naman ng Adamson Falcons, sa pangunguna ni Terrence Mustre sa nakubrang 15 puntos, ang San Beda-B, 74-67, habang pinabagsak ng San Beda-A, tampok ang 32 puntos ni Eugene Toba, ang Letran Knights, 101-73, para makisosyo sa Bulldogs sa Group A lead na may 2-0 karta.

Sa Group B, nagwagi ang College of St. Benilde Blazers kontra Diliman College Blue Dragons, 95-91.

Sa Junior match, pinataob ng Manila Patriotic School ang Xavier School, 82-74, para sa ikaapat na sunod na panalo sa Group A.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Nadomina ng Diliman Preparatory School Baby Blue Dragons ang Far Eastern University, 73-58, para manguna sa Group B ma may 3-0 marka.

Kinulata naman ng NU Bullpups ang Paco High School, 82-61.