KUALA LUMPUR — Nakabawi ang Perlas Pilipinas sa dominanteng 123-33 panalo kontra Myanmar nitong Martes sa 2017 Southeast Asian Games women’s basketball sa MABA Stadium.

Halos 24 oras lamang ang pagitan mula sa kabiguan ng Perlas sa Indonesia Lunes ng gabi, muling pinatibay ng Filipinas ang kampanya na makasungkit ng medalya.

Nanguna si Claire Castro sa Perlas sa naiskor na 21 puntos at 12 rebounds, habang kumana sina Cindy Resultay at Raisa Palmera-Dy ng tig-16 puntos para mahila ang marka ng Perlas Pilipinas sa 2-1.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA