SA edad na 70, hindi inakala ng beteranong broadcast journalist na si Jimmy Gil na magkakaroon pa siya ng anak.
Mayroon na siyang limang anak na pawang professionals na. Nang pumanaw ang kanyang unang asawa at muli siyang magpakasal, pero hindi nila napag-usapan ng kanyang kabiyak ang pagkakaroon ng sarili nilang anak.
Laking tuwa ni Jimmy at ng lahat sa pamilya, mga kaibigan at kakilala, nang magbuntis at magsilang ng isang malusog na baby girl ang kanyang asawa. Sa ngayon ay nine-month-old na ang kanilang little princess na pinangalanan nilang Anna Cristina.
“Hindi ko inasahan pero isa siyang magandang biyaya, she’s a welcome surprise. Half of it is divine intervention, the other half is Enduranz Capsule for Men,” pahayag ng Jimmy Gil Live host na naririnig sa dzBB, simula Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00 hanggang 9:00 ng gabi.
Samantala, natutuwa si Jerome Filler, regulatory pharmacist ng Natural Quality Corporation (NQC), ang kompanyang may 15 taon nang track record sa pagbuo, marketing, distribusyon at pag-export ng Enduranz, sa napakagandang blessing sa pagsanib ni Jimmy Gil sa kanila. Sa pamamagitan nito ay naibahagi ng radio host ang kanyang personal na karanasan sa Enduranz.
“Si Jimmy ay actual na patunay sa kakayahan at bisa ng Enduranz Capsule for Men kung iinumin ito ng tama.”
Ayon kay Filler, marami nang mag-asawa ang natulungan ng Enduranz Capsule for Men na nais bumuo ng pamilya o sundan ang kanilang anak o mga anak.
“Ngunit minsan, ang kagustuhan ng mga mag-asawang ito ay nagkakaroon ng challenges tulad na lang halimbawa ng pagkakaroon ng career ng mag-asawa… kadalasan ito ang nagiging priority sa halip na ang pagkakaroon ng anak. Minsan naman, dahil sa ang isa o parehong mag-asawa ay kailangang magtrabaho ng magkalayo kung kaya’t nagiging mahirap ang pag-buo ng pamilya,” paliwanag ni Filler.
Dagdag ni Dr. Gemiliano Aligui, medical consultant ng Natural Quality Corporation, maaari rin namang physiological na dahilan ang hindi pagkakaroon ng anak ng mag-asawa.
May panghihina ng pagkalalaki na may pisikal na basehan, sa isang pag-aaral sa mga kalalakihang kanluranin ang nagsasabing bumababa ang sperm count ng mga ito ng hanggang 50 per cent kasabay ng pagdeteriorate ng kalidad ng semilya.
Pitong taon nang kasal si Jimmy sa pangalawang asawa bago sila nabiyayaan ng supling.
“To be honest, wala siya sa agenda… Ang attitude ko sa food supplement is it helps me keep my overall health not necessarily along the line of baby production,” kuwento ni Jimmy na dating nagtrabaho bilang medical representative sa isang malaking pharmaceutical company.
Ang tunay na dahilan ng pag-inom ni Jimmy ng Enduranz Capsule for Men ay “a good friend recommended Enduranz caps to him, dahil he easily gets tired, sluggish, lethargic, etcetera... nanumbalik ang aking sigla at lakas pagkalalaki, at ang side effects pa ay nabawasan ang aking katabaan at nagkaroon ako ng mas maraming lean muscle mass----sabay ng regular na exercise at maayos na pagkain.”
Ang Enduranz Capsule for Men ay may apat na aktibong sangkap, ang tongkat ali na tinaguriang “miracle herb, malunggay na kilala sa taglay nitong antioxidant properties at mataas ang calcium content; banaba na nakapagpapabuti ng glucose at metabolism na ang nagiging resulta ay weight loss; at ang gotu kola na kilala bilang aphrodisiac, enhances mental abilities, tumutulong sa blood circulation at panlaban sa stress.