Ni: Fer Taboy

Naaresto ng pulisya ang leader ng New People’s Army (NPA) sa Kidapawan City, North Cotabato kahapon.

Kinilala ng North Cotabato Police Provincial Office (NCPPO) ang naaresto na si Vicente Cañedo, alyas Kumander Jasmin, ng Guerilla Front Committee 53.

Ayon sa report ng NCPPO, nadakip si Cañedo sa hangganan ng Magpet at Kidapawan City sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rebelyon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Hindi nakapalag ang suspek nang sanib-puwersang sinalakay ng pulisya at militar ang lungga nito sa Kidapawan City.