Ni: Liezle Basa Iñigo

BINMALEY, Pangasinan – Patay ang isang tricycle driver habang sugatan naman ang tatlong pasahero niya makaraaang sumabog ang gulong ng sasakyan habang nasa biyahe at tumilapon sila sa Barangay Papagueyan sa Binmaley, Pangasinan.

Napag-alaman na dakong 7:09 ng umaga nitong Sabado nang mangyari ang aksidente sa national road sa Bgy. Papagueyan, Binmaley.

Nasawi si Ernesto Soriano, 70, tricycle driver, ng Bgy. Malacañang, San Carlos City, habang sugatan naman sina Jackyline Malicdem, 26, residente ng Bgy. Salinap; Hildrich R. Catabay, 18, estudyante, taga-Bgy. Malacañang; at Faye P. Curaming, 17, estudyante, ng Bgy. Coliling, San Carlos.

Probinsya

11-anyos na manlalaro ng sepak takraw, patay matapos mabulunan sa headquarters!