Ni NITZ MIRALLES

KANYA-KANYANG hula ang mga nakabasa sa post ni Sharon Cuneta ng first draft ng script ng pelikulang gagawin niya sa Star Cinema. Nakasulat sa script ang pangalan ng karakter ng leading man ni Sharon, pero tinakpan niya kaya ang pangalan lang ng karakter niya niya ang nakita at pangalan ni Direk Cathy Garcia Molina.

SHARON copy copy

Nakasulat din na May 30, 2017 pa natapos ang first draft, hindi lang agad nasimulan ang pelikula dahil wala pang mahanap na leading man ni Sharon.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Finished reading my new movie’s script (sorry I had to cover my leading man’s name! Hahaha, no go-signal pa but sure na sure na! The formal announcement has to come from Star Cinema). I had a meeting with my Star Cinema bosses last night then went to a restaurant where I had only one bite (literally) of my Hainanese Chicken and 2 cups of brewed coffee while I read my whole script in one sitting. So much fun! Cannot wait to start shooting. Hope you all look forward to the movie.”

Ayon pa kay Sharon, kung hindi third week ay last week ng September ang simula ng shooting ng untitled pang pelikula.

“Please pray the movie turns out great (but when it’s Star you know it’s gonna be top-notch!),” patuloy ni Sharon.

May humulang si Robin Padilla ang magiging leading man niya at may humula naman si Ian Veneracion. May mga umaasa namang si Gabby Concepcion pa rin ang makakatambal ni Sharon sa gagawing pelikula.

Ang Star Cinema movie ang second movie this year ni Sharon. Una nang pinalabas ang indie film na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha sa 2017 Cinemalaya.