Ni: Mary Ann Santiago

Mula sa 25, umakyat na sa 34 ang bilang ng mga napatay ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa magkakahiwalay na anti-criminality operation sa lungsod, iniulat kahapon.

Ayon sa MPD, siyam pang suspek ang napatay sa engkuwentro matapos manlaban habang inaaresto ng mga pulis, mula 7:00 ng umaga nitong Huwebes hanggang 7:00 ng umaga kahapon.

Sa mga panibagong operasyon, narekober ng mga pulis ang siyam na baril at 31 pakete ng umano’y shabu.

Eleksyon

VP Sara, na-shookt sa 'Sara-Imee' tandem sa 2028

Sa iba pang pagsalakay, 30 katao pa ang dinakma at 45 pang pakete ng hinihinalang shabu ang nakuha.

Kaugnay nito, tiniyak ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na paiigtingin pa niya ang pagpapatupad ng Drug Abuse Resistance Education (DARE) upang ilayo ang kabataan sa ilegal na droga at masasamang bisyo.