Ni Rey Bancod
KUALA LUMPUR – Hindi sasalang si Fil-American sprinter Kayla Richardson sa 100-meter century dash na kanyang napagwagihan sa Singapore, ngunit kabilang siya sa 200 meters event sa 29th Southeast Asian Games dito.
Iginiit ni Richardson na mas pinagtuunan niya ng pansin ang pagsasanay sa mas mahabang distansiya na aniya’y mas malaki ang tsansa na magwagi..
“I’m sure I would like to run the 100 again,” sambit ni Richardson.
Kabilang naman ang kambal niyang si Kyla sa 4x100 meter relay team.
Kapwa US-based at incoming sophomores sa University of Southern California ang magkapatid na Fil-Am runners kung saan nakakuha sila ng full athletic scholarships. Ang kanilang ina ay nagmula sa Pampanga.
Magkalaban man sa event, sinabi ni Kayla na kapwa layunin nila ang magbigay ng medalya sa bayan.
“We just try to push each other harder,” sambit ni Kayla, silver medalist din sa 200-meter sa Singapore.